Pagpapatupad ng sticker system sa mga motorsiklo bilang pangontra sa riding in tandem, plano ng PNP

May niluluto ngayon na paraan ang Philippine National Police para masawata na ang mga riding in tandem sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, plano nila na magpatupad ng sticker system sa mga motorsiklo na nakarehistro at binalangkas na nila sa ngayon ang guidelines dito.

Oras na makapasa sa inspeksyon ang isang motor ay didikitan ito ng sticker na hindi basta basta natatanggal at makokopya. Ilalagay din anya ito sa bahagi ng motor na madaling makita

Bawat probinsya o syudad, magakkarron ng kanya kanyang stickers at kapag may mangyaring pamamaril, agad palalakasin ang checkpoints at sisitahin ang mga motor na wlaang stickers.

Sa ngayon, hindi pa matiyak ng PNP kung kailan eksaktong maiptutupad ang sticker system sa mga motor.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...