Iginiit ni 1-CARE Rep. Carlos Roman Uybaretta na dapat maglabas ng patakaran ang pamahalaan para sa breakdown sa presyo ng produktong petrolyo
Ayon kay Uybaretta, vice chairman ng House Committee on Energy, dapat maging transparent ang presyuhan ng langjs mura man o mahal ang halaga nito.
Paliwanag nito, kung mayroong breakdown, malalaman ng publiko kung bakit mataas ang presyo ng kino-konsumo nilang gasolina, diesel at kerosene.
Sa ganitong paraang ilalagay na sa resibo kung kailan inangkat ang langis, magkano ang binayarang excise tax, foreign exchange adjustments, refining cost at distribution cost gaya ng nilalagay sa bill ng kuryente.
Idinagdag nito na matagal nang ipinatutupad ang fuel price transparency policies sa ibang mga bansa kaya napapanahon na ringgawin ito sa Pilipinas.