Umabot na sa 62 ang nasawi sa pagputok ng bulkan sa Guatemala.
Ayon sa tagapagsalita ng National Institute of Forensic Sciences ng Guatemala na si Mirna Zeledon, sa nasabing bilang ng mga nasawi, 13 na ang nakilala ng mga otoridad.
Patuloy namang tinutukoy ang pagkakakilanlan ng iba pa.
Ito na ang maitituring na pinakamalalang insidente ng pagsabog ng Mt. Fuego sa nakalipas na apat na dekada.
Maliban sa mga nasawi nagdulot na ito ng matinding pinsala sa mga coffee farms sa nasabing bansa at pagsasara ng kanilang international airport.
MOST READ
LATEST STORIES