Babae patay sa pamamaril sa Taguig

Patay ang isang babae makaraang pagbabarilin nang hindi pa kilalang salarin sa Barangay Central Bicutan sa Taguig City.

Kinilala ang biktima na si Elvira Antonio, 47 anyos na naglalakad lamang sa kanto ng Cagayan De Oro at Pulan Street nang siya ay tambangan.

Ayon sa Taguig Police Community Precinct (PCP) 2, nakita na mga residente na nakahandusay at duguan na ang biktima matapos silang makarinig ng ilang putok ng baril.

Wala namang nakakita sa suspek na namaril sa babae.

Sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong may kaugnayan sa ilegal na droga ang pamamaril.

Noong Marso kasi ay nakulong na ang asawa ni Antonio dahil nasangkot ito sa ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...