Taxi driver patay matapos pagsasaksakin ng pasahero sa Marikina

Police banner

Sa Marikina City, patay ang isang taxi driver makaraang pagsasaksakin ng kaniyang pasahero sa Barangay Parang.

Nakilala ang driver na si Mario Torres, driver ng Joannian Taxi na agad nasawi dahil sa dami ng natamong saksak sa katawan.

Kwento ng mga residente sa lugar napansin nilang tila may komosyon sa loob ng taxi.

Matapos ito ay bumaba ang isang lalaki at doon na nila nakita ang duguan at wala nang buhay ng driver.

Hinihinalang biktima ng holdap ang taxi driver dahil ayon sa mga otoridad nawawala ang wallet at cellphone nito.

Tinitignan na ng mga Marikina City police kung may CCTV sa lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...