Nagpalabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Bohol.
Sa abiso ng PAGASA, alas 5:46 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa lalawigan dahil sa Low Pressure Area.
Ayon sa PAGASA ang malakas na buhos ng ulan na nararanasan sa Bohol ay maaring magresulta ng pagbaha sa mabababang lugar at landeslides sa bulubunduking lugar.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa lalawigan na mag-antabay sa mga susunod nilang rainfall warning na ipalalabas.
.
READ NEXT
LPA magiging bagyo sa susunod na 24 oras; Metro Manila at mga kalapit na lugar maagang inulan
MOST READ
LATEST STORIES