2 menor de edad arestado sa buy bust operation sa Marikina City

Arestado ang dalawang menor de edad sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Tumana, Marikina City.

Isa sa mga suspek ang isang 18 taong gulang na babae, habang ang isa naman ay 15 taong binatilyo na kapwa residente sa lugar.

Ayon sa Marikina City Police, narekober mula sa dalawang suspek ang pitong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at digital weighing scale, bukod pa sa buy bust money.

Bagaman mga menor de edad ay posible pa ring makasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 20002 ang mga suspek dahil nasa age of discernment na ang mga ito.

Read more...