Drug suspek patay sa engkwentro sa Bulacan

Nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng suspek at mga pulis ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Pulilan, Bulacan.

Nasawi sa engkwentro ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Roel.

Ayon sa Pulilan Police, nagkasa ang kanilang drug enforcement team ng buy bust operation sa mismong bahay ng suspek.

Matapos ang transaksyon at aktong aarestuhin na ng mga pulis si alyas Roel ay agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 38 baril na kargado ng mga bala, isang tricycle, at hindi pa batid na timbang ng shabu.

Read more...