Nagpahayag ng pagkaalarma ang kampo ni Bongbong Marcos matapos lumabas ang mga ulat tungkol sa mga balotang nakasilid lamang sa loob ng plastic containers sa Iloilo.
Ang naturang mga balota ang nakatakdang bilangin muli ng Korte Suprema na silang tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) para sa election protest na inihain ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon sa abugado at tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez, nababahala ang kanilang kampo dahil dapat umanong nakalagay sa tamperproof na VCMs o kahit sa official ballot boxes ng Smartmatic ang mga balota, dahil ito ang nakasaad sa batas.
Hindi naman alam ng PET kung bakit sa loob lamang ng plastic container nakalagay ang mga balota.
MOST READ
LATEST STORIES