Hindi pinalagpas ni Pangulong Rodrigo Duterte na punahin ang kakaibang pananamit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Sa meet and greet sa Filipino community sa South Korea, ipinakilala ng pangulo si Panelo na miyembro ng kanyang gabinete na isa ring fashionista.
Pabiro pang sinabi ng pangulo kung mayroong kabayo ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa South Korea at pahiraman na lamang kay Panelo.
Hindi rin pinaligtas ng pangulo ang makulay na suot na singsing ni Panelo na mistula aniyang isang lantern.
MOST READ
LATEST STORIES