Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa ilang mga lalawigan sa Mindanao dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) at low pressure area (LPA) na umiiral sa rehiyon.
Sa abiso ng PAGASA, nakataas ang yellow rainfall warning sa Dinagat Islands; Siargao Islands; Surigao del Norte; Surigao del Sur; Davao Oriental partikular sa mga bayan ng Boston, Mati, Governor Generoso, at Tarragona; Davao Occidental; Davao del Sur partikular sa mga bayan ng Kiblawan, Sulop, Padada, Malalag, at Hagonoy; Sarangani; South Cotabato; at Sultan Kudarat partikular sa mga bayan ng Columbio, Lutayan, Tacurong, Isulan, Bagumbayan, Senator Ninoy Aquino, at Palimbang.
Paalala ng PAGASA, posible ang mga pagbaha sa mabababang bahagi ng mga nabanggit na lugar, lalo na sa mga malapit sa ilog.
Samantala, nakararanas naman ng mabigat na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na bugso ng hangin dahil sa thunderstorm ang Zamboanga City; Agusan del Norte partikular sa bayan ng Jabonga, Kitcharao, Santiago, Cabadbaran, Butuan, at Las Nieves; at Agusan del Sur partikular sa mga bayan ng Sibagat, Bayugan, Prosperidad, at San Francisco.