Grupong sumaksak kay PBA player Jeron Teng, kinasuhan na

Inquirer file photo

Sinampahan na ng kasong frustrated homicide ang mga suspek sa pananaksak sa grupo ng PBA player na si Jeron Teng.

Ang kaso ay isinampa ni Atty. Calleja at ng Taguig Police sa Pisklaya ng Taguig para sa panig ng biktimang si Teng, Norbert at Thomas Torres.

Tumanggi namang mag-komento ang mga suspek na sina Edmar Manalo Lacanlale at Willard balisi matapos na humarap sa piskalya.

Gayunman, humiling ito ng preliminary investigation at pumirma rin sa isang waiver of detention kung saan pumapayag ang mga ito na makulong sa Taguig Police habang sumasailalim sa preliminary hearing.

Ang mga suspek ay ibinalik na sa Taguig Police Jail.

May posibilidad din madagdagan ang kanilang kakasuhan dahil marami pang nagboboluntaryo ng impormasyon sa nasabing krimen.

Itinakda sa June 11, 2018 ang preliminary investigation sa kaso.

Read more...