Pang. Duterte, tiniyak na babalik sa violent war kapag pumalpak ang peace talks sa CPP-NPA-NDF

Inquirer file photo

Mag-shake hands o magkamayan at bumalik na lamang sa karahasan.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison oras na pumalpak ang isinusulong na usaping pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Pero kung hindi naman, sabihin ko na lang sa iyo na huwag ka nang bumalik. Let’s end this by just shaking our hands and we will resume the violent war. It leaves us no other alternative,” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, inimbitahan niya si Sison na umuwi ng bansa pero wala pa aniyang klarong sagot si Sison sa kanyang paanyaya.

Ayon sa pangulo, wala nang ibang alternatibo kundi ang violent war o madugong giyera na lamang ang tatahakin ng rebeldeng grupo at ng gobyerno kapag hindi pa naselyuhan ang usaping pangkapayaan.

Una rito, sinabi ng pangulo na sasagutin niya ang gastusin sa eroplano, pagkain at accommodation ni Sison oras na magpasyang umuwi ng Pilipinas.

Read more...