Nananatiling mapayapa ang pagbubukas ng klase ngayong araw.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na sinabing wala pang natatanggap na report ng untoward incident ang PNP Monitoring Center mula sa kanilang field personnel hanggang kaninang umaga.
Paglalarawan ni Albayalde, ‘so far, so good’ ang class opening at bunga ito ng maayos na koordinasyon ng mga ahensya.
Una nang ipinagutos ng PNP chief ang paglalagay ng mga police assistance desks sa bawat paaralan na mamandohan ng hindi bababa sa dalawang pulis.
Maliban pa aniya ito sa mga Security personnel na naka assign sa mga clusters ng mga eskwelahan.
Ayon sa PNP chief, mananatili ang mga pulis sa mga paaralan hanggang sa mag-normalize ang school activities.
MOST READ
LATEST STORIES