LOOK: Maayos na pagbubukas ng klase, ikinatuwa ng Palasyo

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang ang maayos na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong araw.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, bunga ito ng puspusang paghahanda ng Department of Education (DepEd) at sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine National Police (PNP).

Aabot sa 27 milyong estudyante ang balik0eskwela ngayong araw.

Aminado si Roque na bagama’t mayroong mga problema tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan, naging matagumpay ang pagbubukas ng klase.

May mga public assistance and information centers aniya ang binuksan para tugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante.

Umaasa naman si Roque na makatitikim na rin ng umento sa sahod ang mga guro kapag naipatupad ng maayos ang TRAIN law.

Read more...