Ayon kay Brosas, nagpapakita lamang ito na kayang gawin ni Duterte ang lahat sa mga kababaihan bilang siya ang pangulo.
Inakusahan din nito ang pangulo na ginagamit ang kanyang posisyong bilang ipakita ang kanyang pagiging mysoginistic at walang pagrespeto sa mga kababaihan.
Bukod dito, Unethical din anya ang ginawa ng pangulo dahil ginawa niya ito mismo sa national television.
Nakalulungkot din anya dahil mismong ang babae na nakipaghalikan sa pangulo ay ipinagtatanggol pa ang kanilang ginawa.
Iginiit ni Brosas na kahit hindi maramdaman ng babae na mali ang ginawa niya ay hindi pa rin ito tama sapagkat pangulo gumawa at nasa posisykn kaya hindi anya ito makakatanggi.
Dapat din anyang hindi insensitive ang babae at inisip ang mararamdaman ng ibang kababaihan tulad ng asawa ng pangulo.