3.8 million na mga bata, tambay at hindi nag-aaral – Sen. Angara

DepEd MIMAROPA

Sinabi ni Senator Sonny Angara na may 3.8 milyong bata at kabataang Filipino ang hindi nag-aaral sa kabila ng libreng edukasyon na iniaalok ng gobyerno mula elementarya hanggang kolehiyo.

Aniya base sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey, isa sa bawat Filipino na may edad anim hanggang 24 ang hindi pumapasok sa eskuwelahan.

Banggit pa nito, malaking bahagi o 87 porsiyento nito ay dapat nasa kolehiyo na, walong porsiyento ang dapat nag-aaral sa high school at limang porsiyento ang nasa elementarya.

Sinabi ni Angara na dahil sa kanyang ama, ang yumaong Senator Ed Angara, tatlong dekada ng libre ang pag aaral sa public elementary at high schools at siya naman ang nagsulong ng libreng tuition sa state colleges and universities.

Kaya’t aniya dapat mangyari na ang lahat ng bata na pumapasok sa elementarya ay makakapagtapos na ng kolehiyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...