Ayon kay Imus City police chief Supt. Audi Madrideo isinagawa ang pagsalakay sa lungsod kung saan nadakip ang mga miyembro ng “online syndicate”.
Modus ng grupo ang lumikha ng pekeng Facebook accounts, na may nakaw na mga larawan at magkukunwaring miyembro ng United States military.
Kabilang sa nadakip ang isa sa mga lider na grupo na si Emmanuel Nnandi, isang Nigerian, nang isagawa ng mga otoridad ang entrapment operation Linggo ng gabi sa isang money transfer outlet sa Barangay Tanzang Luma 2.
Si Nandi naman ang nagturo kung saan matatagpuan ang mga miyembro ng sindikato.
Sa pamamagitan ng chat, papangakuan nila ang mga biktima na padadalhan ng pera o regalo galing abroad.
Pero bago maipadala ang regalo, dapat ay magpapadala muna ng pera ang biktima para ipambayad kunyari sa shipping o customs fees.
Nabatid ng pulisya na nakapasok sa bansa ang mga Nigerian na suspek gamit ang student visas.