6 patay, 20 pa ang sugatan sa sa pag-aalburuto ng bulkan

Photo from Guatemala Govt

Anim ang nasawi habang 20 pa ang sugatan makaraang mag-alburuto ang bulkan sa Guatemala.

Isinara din ang paliparan sa bansa at lumikas ang nasa 100 katao.

Nagbuga ng maitim na usok at makapal na abo ang Fuego volcano dahilan para ipasara ang La Aurora Airport.

Inabot kasi ng volcanic ash ang runway ng paliparan at upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, nagpasya ang civil aviation authority ng nasabing bansa na isara na lamang ito.

Ang aktibong bulkan ay matatagpuan sa 25 miles southwest ng Guatemala City.

Inilikas naman ang mga manggagawa at guests mula La Reunion golf club.

Inabisuhan naman ang mga residente na manatiling kalmado.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...