Quezon City High School bibisitahin ni DepEd Sec. Briones sa pagbubukas ng klase

Sa unang araw ng pagbubukas ng klase bibisitahin ni Department of Education Sec. Leonor Briones ang isang malaking paaralan sa Quezon City.

Maagang magtutungo si Briones sa Quezon City High School sa Scout Ybardolaza Street sa Diliman.

Ito ay para personal na tignan ang kahandaan ng nasabing paraalan sa pagbubukas ng klase ngayong araw ng mga pampublikong eskwelahan.

Milyung-milyong mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang balik-eskwela ngayong araw.

Habang sa mga susunod na linggo naman ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa mga private schools sa bansa.

 

 

 

Read more...