Patay ang 46 na migrante makaraang lumubog ang sinasakyan nilang barko sa karagatang sakop ng Tunisia.
Aabot naman sa 67 iba pa ang nailigtas ng mga tauhan ng coast guard sa isa sa maituturing na pinaka-grabeng migrant boat accidents sa nasabing bansa.
Ayon sa ministry office ng Tunisia, patuloy pa ang kanilang rescue operations.
Pawang mga Tunisian at may kahalo ding ibang lahi ang mga biktima sa insidente.
Ang Tunisia ay ginagamit na daanan ng mga human traffickers para makapagdala ng migrante sa Europa.
Ayon sa mga opisyal, aabot sa 180 katao ang sakay ng lumubog na barko.
READ NEXT
Mga dati nang problema inaasahan na rin sa pagbubukas ng klase ngayong araw ayon kay Rep. Tinio
MOST READ
LATEST STORIES