Sa kanyang meet and greet sa Filipino community sa South Korea, sinabi ni Duterte na plano niyang tumungo roon upang ipahayag ng personal ang kanyang pasasalamat.
“I think I’ll go there. I’d like to thank the Kuwaiti government for understanding us and keeping their faith us and practically gave to all of my demands,” ani Duterte.
Wala anya siyang duda na hindi tutuparin ng Kuwait ang mga pangako nito kaya’t bilang tugon ay kahit ilang oras lamang ay tutungo siya rito para ipahayag ang kanyang pasasalamat.
Gayunman, hindi ipinahayag ng pangulo ang petsa kung kailan siya bibisita sa naturang arab country.
Matatandaang lumagda ang Pilipinas at Kuwait sa isang Memorandum of Agreement para sa mga OFWs na kinabibilangan ng mga kondisyong itinakda ng pangulo tulad ng pagluluto nila ng kanilang sariling pagkain, day off kada linggo at hindi pagkumpiska ng passport at cellphone ng employers.