Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers maghaharap sa game 2 ng NBA finals

Maghaharap ngayong umaga sa game 2 ng NBA finals ang Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors.

Alas 8:00 ng umaga oras sa Pilipinas ang simula ng laban.

Matapos ang kabiguan sa Game 1 nangako si Cleveland coach Tyronn Lue mas mataas na antas ng laro ang ipapakita ng kaniyang team ngayong araw.

Hindi rin aniya apektado ang koponan sa pagkatalo sa game 1 at tiniyak na hindi demoralized ang mga manlalaro ng Cavaliers.

Sa panig ng Warriors, inaasahan na nila na sisikaping makabawi ng Cavs.

Magugunitang sa kabilang 51 points na naitala ni LeBron James sa game 1 ay bigo ang Cavaliers sa Warriors.

Ang nasabing puntos ang maituturing na career-high 51 ni LeBron James.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...