Huling namataan ng PAGASA ang LPA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone sa 655 kiloemters east ng Surigao City sa Surigao Del Norte.
Ayon kay Pagasa Weather Specialist Shiella Reyes, sa sandaling maging isang ganap nang tropical depression ay papangalanan itong Domeng.
Maliit naman aniya ang tsansa na tumama sa ito lalupaan pero sa sandaling maging bagyo, magdudulot ito ng katamtaman hanggang s amalakas na pag-ulan sa eastern section ng Visayas at Luzon.
Sa weather forecast naman ng PAGASA ngayong araw, ang Eastern Visayas at Caraga ay makararanas na ng pag-ulan dahil sa nasabing LPA.
Ang Palawan naman Bicol Region at nalalabi pang bahagi ng Visayas at Mindanao ay apektado ng ITCZ.
Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahi sa localized thunderstorms.