Mining operations ipapasara ni Pangulong Duterte kung hindi aayos ang mga mining companies

Maaaring ipasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng operasyon ng minahan sa bansa bago matapos ang taong kasalukuyan.

Sa talumpati ng pangulo sa meet and greet sa Filipino community sa South Korea, sinabi nito na ito ay kung hindi aayusin ng mga mining companies sa bansa ang pagmimina.

Apela ng pangulo sa mga nagmimina, limitahan ang pagsira sa kalikasan.

Kinakailangan aniya na magkaroon ng kompromiso upang matiyak na mapapangalagaan ang kalikasan.

Apela pa ng pangulo sa mga may-ari ng minahan, maawa sa bayan.

Read more...