Walang aasahang lugar sa Libingan ng mga Bayani ang mga napatay na pulis na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.
Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa meet and greet sa Filipino community sa South Korea ay sinabi nito na itatapon na lamang niya sa Laguna Bay ang mga pulis lalo na’t wala nang makain ang mga isda sa dagat.
Ayon sa pangulo, hindi siya titigil hanggang sa maubos ang mga tiwaling pulis, masiguro lamang na hindi na lalaganap ang operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Inihalimbawa pa ng pangulo ang mga nabibingwit na matatabang lapu-lapu sa Davao dahil sa dami ng nakakaing patay na tao.
MOST READ
LATEST STORIES