Balasahan sa PNP ipinaubaya ni Pangulong Duterte kay PNP Chief Albayalde

Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang pagpapatupad ng balasahan.

Ayon sa pangulo, dapat na tiyakin lamang ni Albayalde na tama at ligal ang balasahan.

Kasabay nito, umaasa ang pangulo na mawawalis din ang mga tiwaling pulis.

Muli ring binalaan ng pangulo ang mga tiwaling pulis na tiyak na mauunang mapatay kaysa sa mga adik kapag hindi pa nilubayan ang partisipasyon sa iligal na droga.

Sinabi ng pangulo na tiyak na aalma na naman ang human rights group sa kanyang pahayag.

Kaya sa halip na bumatikos, sinabi ng pangulo na dapat nang pasamahin ang mga taga human rights group sa mga police operation.

Read more...