Paglalabas ng polisya sa pagkontrol sa presyo ng mga bilihin, inihirit ng isang grupo

Inquirer file photo
Humihirit ang grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod sa pamahalaan na agad na maglabas ng polisiyang kokontrol sa presyo ng mga panunahing bilihin.

Ayon kay Many Toribio, tagapagsalita ng grupo, masyadong umaaray na ang mga maralita dahil sa patuloy na pagpapanatili ng pamahalaan na ipatupad ang TRAIN law na nagiging dahilan ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin.

Giit ni Toribio, dagdag pasanin para sa mga maralitang-lungsod ang bagong buwis ng administrasyong Duterte gayung marami pa rin ang walang hanapbuhay, kulang ang kinikita o kontraktwal ang trabaho.

Sa pagtatantya ng mga ekonomista ng Bangko Sentral, umabot sa 5.5% ang inflation noong Mayo, mas mataas sa inaasahan nilang 4.5% para sa taong 2018.

Umanagal din ang grupo sa makupad na pagpapatupad ng mga subsidy na nakapalob sa TRAIN law gaya ang P200 dagdag sa mga benefiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Read more...