Mga matataas na opisyal sa Kenya, inatasang sumailalim sa lie-detector test

Inquirer file phot
Inatasan ni President Uhuru Kenyatta ang lahat ng top officials ng kanilang gobyerno na sumailalim sa lie-detector test, bilang bahagi ng corruption crackdown.

Ang direktiba ni Kenyatta ay kasunod na rin ng serye ng mga iskandalo sa kanilang bansa, gaya ng pagkawala ng 9 billion Kenya shillings o 90 million dollars mula sa National Youth Service, o ang ahensya na nagbibigay ng training para sa mga kabataan.

Lumabas sa imbestigasyon na ang pondo ay ninakaw sa pamamagitan ng mga pekeng invoice.

Noong Marso naman, sinabi ng auditor general ng Kenya na may nawawalang 11 billion shillings o 108 million dollars sa health ministry.

May mga naaresto na at nasampahan ng kaso kaugnay sa kontrobersiya.

Pero ayon kay Kenyatta, sa pamamagitan ng lie-detector test, mapoprotektahan ang kanilang pamahalaan laban sa kasakiman ng ilang opisyal.

Kasama sa ipinapasailalim sa lie detector tests ay ang mga pinuno ng procurement and accounts sa lahat ng government ministries, departments at agencies.

Ang babagsak sa lie-detector test ay sususpendihin.

Read more...