BBL, kayang malusutan ang anumang hamon ng korte – Cong. Lobregat

Inquirer file photo

Naniniwala si Zamboanga city Congressman Celso Lobregat na kakayanin na ng ipinasang Bangsamoro Basic Law (BBL) na malusutan ang anumang hamon sa korte kapag kinuwestyun na ang constitutionality nito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Lobregat, naamyendahan na kasi ang mga kwesytyunableng probisyon sa original version ng House bill 6475.

Halimbawa na aniya ang auditing na nakapaloob sa BBL.

Ayon kay Lobregat, sa original version, ang local na Commission on Audit lamang ang magsasagawa ng audit sa pondo ng bayan pero naamyendahan ito at binago. Ibig-sabihin, ang COA pa rin ang huling mag-aaudit sa pondo.

Nabago rin aniya ang probisyon sa reserve power of government sa national, regional, local elections.

Sa original BBL aniya, nakasaad na may sariling Bangsamoro electoral code pero tinanggal ito at naging malinaw na ang Comelec lamang ang maaring mangasiwa ng eleksyon.

Nabago rin aniya ang nakasaad sa kapangyarihan ng pulis, militar, Ombudsman, at Supreme Court na nabago na.

Gayunman, may ilang probisyon pa rin na kinakailangan na amyendahan gaya ng panukalang i-abolish ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Lobregat, pag-aaralan pa ito ng mga mambabatas para masiguro na hindi matutulad sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na pinulot lamang sa basurahan.

Gray area aniya ito na tanging ang Supreme Court lamang ang makapagpapasya.

Read more...