LOOK: National Civil Disturbance Management 2018, isinagawa sa Quirino Grandstand

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Daan-daang raliyista at mga pulis ang nagharap sa Quirino Grandstand, sa lungsod ng Maynila ngayong araw.

Pero hindi ito totoong protesta kundi bahagi ng National Civil Disturbance Management o NCDM Competition 2018, ngayong Linggo (June 03).

May eksenang nambabato at nanggugulo ang mga raliyista habang ang mga pulis ay nakaporma at tulung-tulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan.

Labing dalawang grupo mula sa iba’t ibang police districts sa buong bansa ang naglalaban-laban sa kumpetition ngayong taon.

Kabilang sa participants ay ang contingent ng Special Action Force o SAF, na unang beses na sumali sa NCDM competition.

Inaabangan din ang gagawin ng Quezon City Police District (QCPD) na itinanghal na panalo noong mga nakalipas na taon.

Ang NCDM competition ay parte ng paghahanda ng pambansang pulisya para sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo, kung kailan inaasahang may mga grupo na magsasagawa ng pagkilos.

Layon din nito na i-assess at subukan ang operational readiness, equipage, at competency and capability ng lahat ng police contigents ng Philippine National Police o PNP sa mga malalaking kilos-protesta at public disturbance.

Read more...