No. 2 sa Top 10 drug personalities sa Lucena, patay sa ikinasang buy-bust ops

Patay ang isang drug suspect sa ikinasawang buy-bust operation sa Lucena City, Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Quezon police chief SSupt. Osmundo De Guzman, nakuha sa drug suspect na si Dom Ibanez ang P1,000 halaga ng hinihinalang shabu sa harap mismo ng kanyang bahay sa Purok Bagumbuhay, Barangay Cotta dakong 4:15 ng madaling-araw.

Nang mapag-alamang ang poseur buyer na si PO3 Ryan Nayo ay kasama ng otoridad, nanlaban ang drug suspect dahilan para paputukan ng otoridad.

Nakalista si Ibanez bilang no. 2 sa Top 10 drug personalities sa naturang lungsod.

Samantala, narekober mula sa naturang drug suspect ang apat na pakete ng umano’y shabu, isang P1,000 bill na nagsilbing marked money, isang pocketsize weighing scale, isang sim card, isang gunting, isang pouch na may mga susi at isang calibre .38 revolver.

Read more...