Naghain ng “not guilty” plea sa Korte ang hinihinalang miyembro ng Sinaloa Mexican drug cartel na si Horacio Hernandez Herrera.
Sa isinagawang arraignment sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 63, “not guilty” ang inihaing plea ni Herrera sa kasong may kaugnayan sa pagbebenta umano nito ng P12 milyon na halaga ng cocaine.
Itinuloy ang arraignment matapos na hindi pagbigyan ni Judge Tranquil Salvador Jr. ang kahilingan ng panig ng depensa na ito ay maipagpaliban dahil ang abogado umano ni Herrera ay bago lamang.
Ayon kay Atty. Alexander Acain, siya at kapwa niya mga abogado ni Herrera ay kailangan pa ng sapat na panahon para pag-aralan ang kaso.
Pero ayon kay Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera natapos na ang panahon para sa paghahain ng mosyon sa kaso kaya tama lang na itinuloy na ang arraignment.
Matapos ang paghahain ng not guilty plea ni Herrera, itinakda nan g korte sa September 3 ang pre-trial sa kaso.
Si Herrera ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ./ Ricky Brozas