LPA at ITCZ, patuloy na nagpapaulan sa Visayas at Mindanao

Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang low pressure are sa may bahagi ng Mindanao na inaasahang maging bagong bagyo.

Sa pinakahuling weather advisory ng weathe bureau, namataan ang LPA sa layong 390 kilometers Silangan ng Surigao City sa Surigao del Norte.

Dahil sa naturang sama ng panahon at umiiral ding intertropical convergence zone (ITCZ) makararanas ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan sa Western Visayas at Caraga region.

Pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, pinayuhan ang publiko at mga tanggapan ng gobyerno partikular ang disaster risk reduction and management offices na manatiling nakaantabay sa mga updates tungkol sa sama ng panahon.

Read more...