Sa press briefing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago ang kanyang pag-alis patungong South Korea, sinabi ng pangulo na pumunta na lang ng impyerno ang UN rapporteur.
Sinabi ni Duterte na hindi ispesyal na tao si Garcia-Sayan at hindi niya kinikilala ang kanyang pagiging rapporteur.
Igiinit ng presidente na hindi dapat ito nakikialam sa mga usaping-panloob ng Pilipinas.
Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala si Garcia-Sayan sa mga naging pahayag umano ni Pangulong Duterte laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago ito tuluyang mapatalsik sa pwesto.
Sinabi ng human rights expert na ang Kalayaan ng Philippine judiciary ay nahaharap sa banta matapos mapatalsik si Sereno sa pwesto.