Janine Berdin, itinanghal na kampeon ng Tawag ng Tanghalan

Screenshot from TNT Youtube

Wagi bilang bagong kampeon ng ‘Tawag ng Tanghalan’ (TNT) sa It’s Showtime ng ABS-CBN ang 16-anyos na Cebuano na si Janine Berdin.

Nakuha ni Berdin ang pinakamataas na pinagsamang scores mula sa text votes ng taumbayan at grado ng mga hurado na 96.11 percent sa finale ng kompetisyon na naganap sa Aliw Theater sa Pasay City.

Pinahanga ng dalagita ang mga hurado at ang publiko sa kanyang medley ng mga awitin ni Bamboo na ‘Tatsulok’ ‘Hallelujah’ at ‘Noypi’ dahilan para tanghaling kampeoon.

Inawit niya rin ang 1989 hit OPM song na ‘Nosi Ba Lasi’ na sumiguro para makapasok siya sa top three.

Tinalo ni Berdin sina Ato Arman na nasa ikalawang pwesto at nakakuha ng 74.27 percent na score at ikatlo naman si Steven Paysu na nagtapos nang may 61.80 percent.

Inuwi ni Berdin ang P2 milyong piso cash prize na tax-free, house and lot, at management contract.

Read more...