Ilang mga bahay tinupok ng sunog sa Maynila

Photo: Alvin Barcelona

Nabigla ang mga residente ng Anakbayan street at Looban sa Barangay 741 President Quirino Avenue sa Maynila nang biglang sumiklab ang sunog sa kanilang lugar .

Pasado 2:00 ngayong hapon nagsimula ang sunog pero mabilis itong umakyat sa 3rd alarm makalipas lamang ang halos ay 30 minuto.

Mabilis naman na rumesponde ang mga bumbero mula sa Manila Fire Department gayunrin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa Caloocan City, Quezon City, Pasay at iba pang mga kalapit lungsod kasama ng ilang fire volunteer groups.

Nagsikip naman sa daloy ng trapiko ang bahagi ng President Quirino Avenue pati na ang kabuuan ng Anakbayan street dahil sa dami ng mga kagamitang inilabas ng mga residente sa lugar.

Pahirapan rin ang pag-apula sa sunog dahil sa masikip na mga lansangan.

Bago mag-alas kwatro ng hapon ay idineklara nang fire under control ang naganap na sunog.

Read more...