Kinilala ang mga suspek na sina PO2 Lynn Tubig na na kasapi ng PNP-SAF, John Vincent German at Fernando German.
Ayon sa pulisya, rumesponde sila sa reklamo ng isang babae na ninakawan sa Barangay Tuktukan.
Pagdating sa lugar, napansin ng mga pulis na may hawak na baril ang isang lalaki.
Agad na tumakbo ang lalaki papalayo sa mga pulis.
Nang tugisin ito ng mga otoridad sa mga barungbarong, nadiskubre ang grupo ng mga nagpo-pot session.
Dito na inaresto sina Tubig, John Vincent at Fernando German.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, baril at mga bala.
Nahaharap ang tatlo sa kaso ng iligal na droga illgela possession of firearms.