Internal cleansing at anti-drug operations tututukan ng bagong PNP-Calabarzon Director

Photo: Mark Makalalad

Opisyal nang umupo sa kanyang pwesto bilang bagong hepe ng Police Regional Office sa Cavite, Laguna, Batangas, Romblon at Quezon (Calabarzon) si Chief Supt. Edward Carranza.

Sa turn-over ceremony na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Laguna, ipinasa na ni incoming NCRPO Chief Guillermo Eleazar kay Carranza ang kanyang pwesto.

Bago nito ginawaran ng medalya si Eleazar bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa sa rehiyon.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Eleazar ang kanyang mga naging kasama na tumulong sa kanya para sa loob ng mahigit isang buwan ay nagkaroon ng mga positibong anti-crime operations sa nasabing mga lalawigan.

Anya, inaakala nya pa naman na sa Calabarzon siya pinakamatagal na mumuno pero kabaligtaran ang nangyari.

Gayunman, tiwala naman siya kay Carranza na magagampanan nito ang kanyang tungkulin at magiging epektibo itong lider.

Tinanggap naman ni Carranza ang hamon sa bagong pwesto at nangako na magihing mahigpit sya sa pagpapatupad ng batas sa rehiyon.

Paliwanag ni Carranza mahirap mahabol ang yapak ni Eleazar pero pipilitin nya na maging ‘relentless’ ang kanilang anti-drug campaign at internal cleansing sa PNP.

Inatasan nya rin ang kanyang mga provincial director na maging mabuting halimbawa at magsipag sa kanilang trabaho dahil kapag hindi sila nakapasa sa standard ni PNP Chief Oscar Albayalde ay sisibakin nya ito sa pwesto.

Si Caranza ay dating hepe ng PRO-Cordillera at miyembro ng Sinagtala Class of 1986.

Read more...