Naaresto ng militar ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army sa Mindanao.
Kinilala ni Eastern Mindanao Command Spokesperson Maj. Ezra Balagtey ang nadakip na si Nerita Calamba De Castro, ang top finance officer ng NPA na nahuli sa joint police and military operation sa Emenville Subdivision sa Barangay Ambago sa Butuan City.
Si De Castro ay mayroong naka-pending na warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 28 ng Lianga, Surigao del Sur dahil sa kasong pagpatay.
Nabatid na si De Castro ay finance head ng Komisyon Mindanao at acting secretary ng Regional White Area Committee (RWAC) ng NPA sa Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Sa pagkaka-aresto kay De Castro, umaasa ang Eastmincon na magpapahina ito sa operasyon ng rebeldeng komunista sa nasabing rehiyon.