Pinuno ng VFP kakasuhan ng DND dahil sa kurapsyon

Kakasuhan ng Department of Defense ang napatalksik na pangulo ng Veteran’s Federation of the Philippines na si retired Army Col. Bonifacio de Gracia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na si De Gracia ay mahaharap sa kaso dahil sa kanyang mismanagement, conflict of interest at kurapsyon sa VFP.

Ang VFP kasi ay isang public corporation alinsunod sa Republic Act No. 2640.

Batay sa reklamo, ipinairal ni De Gràcia ang “kamag-anak corporation” sa kanyang pamunuan kung saan tumanggap umano ng malalaking sahod bilang consultants ang ilang mga hindi kwlipikadong kaanak ng naturang opisyal.

Samantala, kahapon ay matagumpay ding nailuklok ang mga bagong opisyal ng VFP sa pangunguna ni Acting VFP President, dating Sandiganbayan Justice at World War II Veteran Manuel R. Pamaran, matapos na unang tumanggi si De Gracia na lisanin ang kanyang pwesto.

Tiniyak naman ng bagong pamunuan ng VFP na isusulong nila ang maayos na pamamahala sa VFP para sa benepisyo ng buong komunidad ng mga beterano.

Read more...