North Korea pumayag na itigil ang nuclear program

Makaraang magkaroong aberya sa nakalipas na mga araw ay tuloy na sa June 12 ang pulong nina U.S President Donald Trump at North Korean President Kim Jong-Un.

Si Trump mismo ang nag-anunsyo ng nasabing balita kaugnay sa pulong na gaganapin sa Singapore.

Sinabi rin ni Trump na matutuloy ang nasabing summit makaraan ang naging pulong niya sa trusted man ni Kim na ais Gen. Kim Yong-Chol.

Ipinahiwatig rin ni Trump na tila pumayag na ang North Korea sa mga naunang hirit ng U.S tulad na lamang ng denuclearization sa nasabing komunistang bansa.

Magugunitang kamakailan lamang ay tumanggi ang North Korea sa kagustuhan ng U.S na abandonahin na nila ang kanilang nuclear program.

Nagbanta pa noon si Kim na hindi na niya itutuloy ang pakikipagpulong sa U.S.

Sa ngayon ay inihahanda na rin ng U.S ang seguridad para sa paghaharap nina Trump at Kim.

Read more...