Habang ang isa pang LPA ay nasa Silangan pa rin ng Mindanao at namataan sa layong 580 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang dalawang LPA ay nakapaloob pa rin sa umiiral na inter-tropical convergence zone (ITCZ).
Makararanas ng maulap na kalangitan ang Visayas at Mindanao na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sa Eastern Visayas, Caraga at Davao ay makararanas ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na mga pag-uulan dahil sa LPA na malapit sa Mindanao.
Dahil naman sa trough o buntot ng LPA sa labas ng PAR ay inaasahan din ang maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa Romblon provinces.
Inaasahan pa ring magiging mga bagyo ang dalawang LPA sa loob ng mahigit isa hanggang tatlong araw.
Sa Luzon naman kabilang na ang Metro Manila ay mainit at maaliwalas ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Mainit pa rin sa Tuguegarao City sa inaasahang maximum temperature na 38 degrees Celsius habang 34 degrees Celsius naman sa Metro Manila.
Ayon sa PAGASA, posibleng ideklara na ang rainy season sa pagitan ng June 4 hanggang June 14.