Bilang ng stranded sa mga pantalan, umabot na sa 323

stranded-passengersBatay sa huling tala ng Philippine Coast Guard ng alas otso kagabi, umabot na sa kabuuang 323 katao ang nastranded sa mga pantalan dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Lando.

Karamihan sa mga nastranded ay nasa Bicol partikular na sa Albay kung saan may 186 na pasahero ang naghihintay na muling mapayagang bumyahe, habang 29 naman sa Catanduanes at 27 sa Camarines Sur.

Sa Southern Quezon naman ay mayroong 77 pasahero na nastranded, habang 4 naman sa Aparri.

Ang pagkastranded ng mga pasahero ay dahil hindi na pinayagang mag-layag ang nasa 19 na vessels, 3 bangkang de motor at 58 rolling cargoes.

Read more...