Sa Brgy. Gulod napatay ang isang alyas ‘Doo’ matapos na manlaban sa mga pulis na aaresto sana sa kanya.
Ayon kay QCPD Dist. Dir. for Operations S/Supt. Ronaldo Ylagan, P3,000 halaga ng shabu ang nakatakdang bilhin ng pulis na nagpanggap na poseur buyer sa Florentina St. Brgy. Gulod, Novaliches.
Pero nakatunog ang suspek kaya nagtangka itong tumakas at pinagbabaril ang mga pulis, kaya napilitan ang mga otoridad na paputakan ang suspek hanggang sa mapatay ito.
Nakuha sa kanya ang .38 caliber pistol at ilang gramo ng shabu at ang buy bust money.
Naaresto naman ang magtiyahin na sina Florante Acepcion, 18 yrs. old na minsang nang nahuli dahil sa droga at si Laura Herrera 61 yrs. old ng 20th Ave. Bayani Lane Brgy. San Roque, Cubao, QC.
Sa cp video mula sa QCPD Station 7, ayon kay Cubao PNP Chief of Police PSupt. Giovani Caliao, makikita sa video si Herrera na nagrerepack ng shabu kasama ang kanyang pamangkin saka binigay sa poseur buyer.
Kulong rin si Jocelyn Macasona na nabilhan ng droga sa isang kalye sa Brgy. E. Rodriguez at si Delson Bulanday na nabilhan naman ng droga sa Brgy. Kaunlaran.
Narekober sa mga suspek ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at P1,500 buy bust money.
Apat arestado kabilang ang magtiyahin sa buy bust ops sa Quezon City | @jongmanlapaz pic.twitter.com/gX9MfIrqOf
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 1, 2018
Hinihinalang pusher patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Gulod, Quezon City | @jongmanlapaz pic.twitter.com/LhfDb3ChGp
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 1, 2018