COA walang basehan sa pagtanggap ni Calida ng sobrang allowance – OSG

Iginiit ng Office of the Solicitor General na walang basehan ang pahayag ng Commission on Audit na tumanggap ng sobrang allowance at honoraria si SolGen Jose Calida at 15 iba pang opisyal ng ahensya.

Ayon sa tagapagsalita ng OSG na si Hector Calilung, pinagbatayan lang ng COA ang circular na naglimita sa mga abogado ng gobyerno na tumanggap ng honoraria at allowance na 50% ng kanilang sweldo.

Ang Circular no. 85-25-e ay hindi anya pwedeng manaig sa Republic Act no. 9417 na nagpalakas sa OSG at kung saan nakasaad na ang OSG lawyers ay pwedeng tumanggap ng honoraria at allowance ng walang cap o limit ang halaga.

Reaksyon ito ng OSG sa COA findings na si Calida, na sumusweldo ng p1.827 million kada taon, ay tumanggap ng P8.376 million na honoraria at allowance noong nakaraang taon.

Ayon sa COA, dapat ay P913,950 lang ang maximum allowable allowance ni Calida base sa nasabing circular.

Read more...