Ang panukalang umento sa sweldo ng mga manggagawang Pinoy ay bilang tugon sa epekto ng tax reform program ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Jose Roland Moya, Director General ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), apektado rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang mga employers.
Ang TRAIN law anya ay may epekto sa gastos ng mga negosyante sa mga raw materials.
Sakali anyang mapatupad ang dagdag sahod, pwedeng malugi ang mga negosyo na pwedeng magresulta sa pagtanggal ng mga empleyado o pagsasara ng kumpanya.
Giit ni moya, ang nakaambang pangyayari ay hindi banta kundi katotohanan na posibleng mangyari kaya kailangan anyang balansehin ang isyu.