Office of Civil Defense, iginiit na maliit na porsyento lamang ng mga rescue equipment nila ang nakatengga

Maliit na porsyento na lamang ng mga rescue equipments at information campaign materials ng Offiice of Civil Defense ang natengga sa kanilang bodega.

Ito ang inihayag ni NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas kasunod nang pagpuna sa kanila ng Commission on Audit.

Paliwanag ni Posadas taong 2012 nang simula silang bumili ng mga rescue equipments na aabot sa halagang 117 milyong piso at halos lahat naman ng mga equipment na ito ay naipamahagi na maliban na lamang sa mga small items na natira sa kanilang bodega

Hindi aniya masasayang ang mga ito dahil maari pa itong magamit at ipamigay kung kakailanganin sa mga susunod na buwan.

Samantala, welcome naman sa OCD ang obserbasyon ng COA at sinabing magsisilbi itong daan para mas pagbutihin pa nila ang kanilang serbisyo.

Matatandaang sa report ng COA mahigit isang milyong pisong halaga ng mga rescue equipments at information education campaign materials ang nakaimbak lang sa mga bodega ng OCD.

Nangangamba ang ahensya na masira lang ang mga rescue equipment dahil dalawang taon mang nakatambak ang mga flashlight, helmet, mosquito net, mega phones at iba pang kagamitan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...