Gagawin ang repair mula alas 11:00 ng gabi mamaya, June 1 hanggang sa Lunes June 4, alas 5:00 ng umaga.
Sa abiso ng DPWH, sa EDSA Southbound apektado ang mga sumusunod:
- Arayat Street mula M. Ignacio Diaz, 1st lane mula sa sidewalk
- Eugenio Lopez Street hanggang Scout Borromeo, 3rd lane mula sa sidewalk
Sa EDSA Northbound naman apektado ang:
- Vertis North hanggang Trinoma Mall, 3rd lane
Ang iba pang lansangan na maapektuhan ng repair ay ang:
- Quirino Highway sa pagitan ng Bernardino Road hanggang Rockville Subdivision, 2nd lane
- Batasan Road mula Commonwealth Avenue hanggang Katarungan Street, 2nd lane
- Bonifacio Avenue bago mag-Dome Street, inner lane
- Congressional Avenue sa harap ng Business Bank patungong Mindanao Avenue, 1st lane
Payo ng DPWH sa mga motorista, iwasan na ang nabanggit na mga kalsada sa kasagsagan ng repair para hindi maabala.
READ NEXT
Tseke sa mga loan at claims ng SSS made-delay ang release dahil sa problema sa nasirang printer
MOST READ
LATEST STORIES