Taliwas sa nakagawian na ng mga kumpanya ng langis na magpatupad ng oil price adjustment tuwing araw ng Martes, ang kumoanyang Phoenix Petroleum nauna nang magpatupad ng rollback.
Ayon sa Phoenix, epektibo na mamayang alas 6:00 ng gabi (June 1) ang kanilang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Bawas na P1.40 ang ipatutupad ng Phoenix sa kada litro gasolina at P1.00 naman ang bawas sa diesel.
Ayon sa Phoenix ito ay para hindi na maghintay pa ng matagal ang mga motorista sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa Martes.
Linggu-linggo kasi ay araw ng Martes ang pagpapatupad ng price adjustment ng mga kumpanya ng langis, dagdag presyo man o bawas.
MOST READ
LATEST STORIES